Kung hinihikab ang mag-aaral mong
tangi
Sa paglikha ng tulang kawili-wili
Huwag madismaya ni pumutok ang butsi
Hayaan mong siya’y matulog nang nakangiti
Hayaang sa bangungut ng realidad,
siya’y mahimbing
Nang siya ay kusang magising
At maghandog ng tulang katangi-tangi
Na ang kaluluwa ay sa halik hinabi
…kaya ang panutong ito’y basahin na
Habang
naglalagkitan pa ang kaniyang mga pilik-mata…
Istep wan:
Mamitas
ng sangkatutak na sili sa hardin ng kahirapan
At
isawsaw sa nakabukas na lata ng nabubulok na sardinas
(sardinas na iniluwal ng
pabrikang may nabubulok na sistema)
Hintaying mamintana ang
laway sa kaniyang mga labi
At sa sandaling magkalasan
ang mga ito
Saka mo isubo sa kaniya
nang dahan-dahan
Istep tu:
Huwag
mo nang hintayin pang mag-aklas ang kaniyang dila
sa
nabubulok na sardinas
Ipalamon
mo agad ang sili sa kaniyang bunganga
Ipalamon
mo nang ipalamon…
Mariin
nang mariin…
Hanggang
siya na mismo ang tumangging huminga
Upang
wakasan ang mapait na lason sa nabubulok na sardinas
Kung
naghahangad pa siyang huminga
Paniguradong
kusa niyang ngunguyain ang sili
Sapol!
Maduduwal siya nang maduduwal
Sa
anghang ng sili at sa pait ng nabubulok na sardinas
Magmamaktol
at mamimilipit sa sakit ang kaniyang sikmura
Istep tri:
Huwag
mo nang hintaying sumuka siya ng dugo at mangisay
Hindi
sapat iyan!
Kumuha
ka ng tinidor at ibaon sa kaniyang mga mata
Ibaon
mo nang ibaon…
Hangga’t
kusang takasan ng kaniyang paningin
ang larawan ng kaniyang
daigdig
Bunutin
mo ang kaniyang mga paningin
At
itapon sa mga gabundok na basura sa gilid ng bangketa
Hayaan
mong paglaruan at gawing bola
Ng
mga Badjao sa lansangan ang kaniyang mga mata
Istep for:
Kumuha
ka ng sundang
At
tadtarin ang kaniyang mga kamay at braso
Hiwain
ang kaniyang daliri nang pinung-pino
At
ibahagi sa mga…
Nangangalaykay ng basura…
Nanlilimos
sa kalye…
Natutulog
sa bangketa…
Istep fayv:
Laslasin
ang kaniyang mga tainga
Itapon
ang kaniyang pandinig sa gitna ng kalye
Hayaang
bingihin ito ng mga…
Nagbabangayang sasakyan…
Tagaktak ng
mga nagkakarerahang sapatos…
Taginting
ng mga kinalawang na latang uhaw sa barya…
Piping bulong ng mga butas at maninipis na
tsinelas…
Istep siks:
Ialay
ang kaniyang mga palad
sa namamawis na dugo ng
mga…
gurong domestic
helper…
karpinterong may
marurupok na martilyo…
manggagawa
sa marurungis na pagawaan…
magsasaka
sa naninigang na lupang sinasaka…
mangingisda
sa maramot na karagatan…
Faynal Istep:
Hintayin
mo ang pagluha ng langit
Saka
itapon ang kaniyang katawan sa putikan
Hayaang
kumutan siya ng dilim
Sa
lilim ng nagluluksang dabi
Maghukay
ng kaniyang libingan
At
baunan siya ng malaking salamin
Upang
Makita niya ang kaniyang sarili
Sa
sandaling pukawin ng kirot at hapdi ang kaniyang kamalayan
At panigurado
Bago sumapit ang hating gabi
Babangon siya sa hukay
at tutulaan ka…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento