Ang Talinghaga
ng Isang Bakla
Ako’y masdan
mo nang mata’y nakapikit
Di ba I can soar high like your wings in the sky
Ngunit…
Ika’y may
naamoy
Kaya Gosh! Mata mo’y biglang napadilat
Hayan tuloy,
sa lupa ako’y lumagapak
Ouchy! At nabali pa itong aking mga pakpak
Kaya gapang
na lang ang drama
Ng bidang si
Baklang Dora
Eh paano, sa
malagkit na putik ako bumagsak
Mh! Binali mo
na nga ang mga bagwis ko
Dinungisan mo
pa ang aking mga balahibo
Kaya
Proserfina ang drama ko ngayon
Daig pa si
Marian sa pagra-running marathon
Kaso, ako’y
hindi nga lang hinugot sa iyong tadyang
Hinugot ako,
sa bayag mong amoy bawang
Hahahaha…
Kaya hayon,
Nangangamo’y
bawang tuloy ang aking kaluluwa
Kaya heto’t
hindi mo ako masikmura
Aba! Eh sino
kang dura dura nang dura kuya?
Eh sing
panghi lang ng ihi ko ang ihi mo duhba?
But then again
Pikit ka pa,
sige na, sige na
At takpan mo
na rin ang ilong mo ha
Eh sa gusto
ko pang makisamyo and to fly
Sa sariwang
hangin ng alapaap ng buhay
Kaya pikit ka
pa papa
Sige na
At itatabi ko
muna ang mga bato
Sa putik na
babagsakan ko…
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento