ang nililimos na
pagmamahal, ay sadyang napakamahal
S. M. MALL
(Sa
Mamahaling MALLing Pag-ibig)
Luja
Avenue, BAKLAran, PASA City
Uy bakla, may papabol oh, kanina pa
nakatitig sa iyo - - - E-Load
Php
100.00
Beh, ayos ang sapatos na'to ah - - - - - - - - - - - - - - - - - Isang pares
ng
sapatos Php 1, 200.00
Bakla! Ba't krayola ka? - - - - - -
- - - - - - - - - - - - - - - - - - panyo Php 50.00
Beh, sori na oh. Di ako
naka-text kasi ninakaw
ang selpon ko eh - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 1 Nokia C3 Php 5, 700.00
Bakla! Blackeyed Piece ka na naman? - - - - - - - - - - - - - - 1 yelo Php
2.00
Mamang, tama na. Lasing ka na bakla - - - - - - - - - - - - - - beer Php
360.00
1 kaha ng sigarilyo Php
25.00
At bumalik ka pa! Para
ano?! Mangungutang
ka na naman.kesyo naospital ang nanay mo,
o di kaya'y walang
pangmatrikula
ang kapatid mo, o dahil maghahanap
ka na naman ng trabaho? - - - - - - - - -
- - - - - - - - -- - Shabu
Php 1,000.00
Sus, ang baby ko nagtatampo.. - - - - - - - - - - - - - - - - Mainit na gabi Php 2,000.00
kondom Php 25.00
Bakla! Wake up. pamilyado si papabol
mo! - - - - - - - - - Gatas Php 1,000.00
Diaper Php 500.00
baby wipes Php 120.00
WALANG HIYA KA! SINUNGALING KA! MANGGAGAMIT! - - - - - - wasak
na:
flower vase Php 300.00
TV Php 12,000.00
Laptop Php
30,000.00
salamin Php 350.00
PAK!... ARAY!....TAMA NA...
TU-TULONG! SUNOG!!!! AHHHHH!!! - - - - - - - - - - - - - - hospital bill Php
80,000.00
Buti naman bakla at nagkamalay ka na.
kasalukuyan na siya ngayong hinahanap ng mga
pulis sa kasong arson - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - Damaged Property Php 865,268.00
______________________________________________
KABUUAN: Php
1,000,000.00
SUKLI: isang milyong butil ng
luha
***bakla, look! ang papabol ng private nurse
mo...
*** ay bongga nga. kaya witit lang mamang
itsetsek ko muna ang account ko kung umabot ba ng isang milyon...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento