Uha
U-Uha,uha,uha…Itay,
naririnig mo?
Ang
sinabi ko, yakapin mo rin sana ako
U-Uha,uha,uha…
makinig ka naman o
Nais
ko lang madama ang init ng bisig mo
O,
bakit mo binigay itong lampin kay inay?
Ayaw
mo na ba akong bihisan aking itay?
Nais
ko lang madama ang haplos ng yong kamay.
At
maglaro sa ‘yong bisig nang habangbuhay
Yehey!
Sawakas, hinalikan ako ni Itay
Ngunit
bakit ang halik mo’y labis na kaytamlay?
Napakalamig
at sa wari ko’y walang buhay
Hindi
mo na ba ako mahal, oh aking itay?
Naku!
At saan ka naman ba tutungo itay?
Bakit
mga maleta ang iyong tangay-tangay?
At
iniwan mo namang tumatangis si Inay
Uha, uha, uha…ako’y
‘wag mong iwan Itay!
Di
ba sabi mo Itay, aalis ka sandali?
Bakit
hanggang ngayo’y di ka pa rin umuuwi?
U-uha, uha, uha…hi-hindi!
Hindi! Hindi!
Sadya
bang ang pangako’y napapako nang lagi?
Ang
hangad ko lang naman ay matutong maglakad
Habang
hawak-hawak ko ang iyong mga palad
Nais
ko lang matikman ang hapdi ng ‘yong palo
Upang
pangaralan ako at bigyan ng payo
Ang
damut-damot n’yo naman po sa akin Itay
Ang
iyong pagbabalik, kaytagal kong hinintay
Wag
n’yo naman pong ipagdamot ang pag-ibig n’yo
Konti
lang naman po ang hinihingi ko sa ‘yo
Uha, uha…sino
s’yang sa iyo’y umuuha?
U-uha, uha, uha…sino
siya, sino s’ya?
Nakikipagtunggali
nitong aking pag-uha
Hi-hindi!
Hindi! Tu-tumigil ka, tumigil ka!
Balita
ko’y may ibang umuha sa ‘yong bisig
Panay
daw ang paghele at ang iyong pagtapik
Napakapalad
niya pagkat ‘yong pinarinig
Ang
heleng hinanap-hanap ng aking pandinig
Uha, uha…Itay,
bakit s’ya’y naririnig mo?
Habang
ako nama’y binging pinakikinggan mo
Itay,
sa akin po ay makinig ka naman o
Nais
ko lang matanaw kahit ang anino mo
Sa
bawat higpit ng pagyakap mo sa kaniya
Ay
siya ring higpit ng aking pangungulila
Bulyaw
at sermon mo, sa kan’ya’y sumpang kaytinik
Ngunit
himig na hinangad ng aking pandinig
(Uha)
Itay,
ang daliri ko’y kaya ko nang bilangin
(Uha)
Ang
mga tuhod ko’y naitutuwid ko na rin
(Uha)
Kaya
ko nang baybayin ang salitang pag-ibig
(Uha)
Ngunit
bakit ang itay, di ko maisatinig?
Ngayon
ay bulag na nga, ang aking mga mata
Maging
ang damdamin ko, ngayo’y kinalawang na
Ang
telon ng guni-guni, ngayo’y nagsara na
Ang
nagbabagang pag-asa, ngayo’y kaylamig na
Ngayo’y
said na nga, itong aking mga luha
Ngayo’y
sumusuko na, ang lalamuna’t dila
Ang
mga uha ko’y unti-unting binubura
Nitong
gula-gulanit kong damdami’t haraya!
(Ngayo'y hindi na ako uuha
Uha, uha, uha, uha..
Hinding-hinding-hindi na
Uha, uha, uha..
Hinding-hindi na
Uha, uha..
Hindi na
Uha..)
Ngayon
sa paningin ko, ikaw ay nakapinta
Sa
kahimbinga’y di magkalasan ‘yong pilik-mata
Kasabay
ng mga liwanag na nagluluksa
Sa
dahan-dahang natutunaw na kandila
At
sa sapilitang pagtakas ng kaluluwa
Nawa’y
baunin mo ama
Ang aking huling pag-UHA…